Friday, November 14, 2008

Nagmahal Lang Ako

Hidden heart Pictures, Images and Photos
Ang ating landas ay pinag-isa
Mga puso nati’y nagkatagpo tuwina
Pag-ibig na walang hangga’y nadama
Noong kasama pa kita sinta

Mundo ko’y umikot lamang sa’yo
At ngayo’y ikaw ang dahilan ng buhay ko
Pagmamahal kong naramdaman mo
Pagsuyo mong kinaaaliwan ko

Kasabay ng pagpikit ng ating mga mata
Ay ating mga alaalang nagsara
Sa paggising ko’y lumisan ka na
At hanggang ngayo’y hinahanap-hanap ka

Pinagdaanan ko na lahat ng delubyo
Kahit na ako’y mapunta sa impyerno
Kong ika’y naroroo’y susundan ko
Dahil kasing init ng apoy ang pag-ibig ko

Habambuhay kitang hihintayin
Lahat ng parusa’y tatanggapin
Kung buhay ko man ang kapalit
Isusuko ko ito ‘wag ka lang mawaglit

Lahat ng pagsubok ay gagawin ko
Bumalik lang ang taong pinakamamahal ko
Kung kayo ay duda, may tanong ako
Nagmahal lang ako, kasalanan ba ito?




Napakamali naman ata ng timing ng tulang ito. Alam niyo ba naman kung bakit? Kasi isinulat ko ito noong ika-11 ng Nobyembre 2008 at ang araw ng iyon ay ang araw bago mag Division Schools Press Conference – isang paligsahan para sa mga estudyanteng manunulat.
Ano ang mali doon? Kasi dapat ay nagsasanay ako sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming artikulo sa mga dyaro. Eh hindi ko naman talaga maiwasan noh na makapagsulat ng ganitong uri ng tula sapagkat napakaraming nangyari sa araw na iyon. Pauwi na sana ako ng may lumapit na tunay na kaibigan sa akin. Sinabi niya lahat ng nangyari noong mga sandaling wala ako sa aming silid – ang mga taong sinisiraan ako. Sa araw na iyon ay nakilala ko kung sino ang aking mga tunay na kaibigan at syempre may mga nakaalitan din ako dahil sa aking napakakomplikadong buhay pag-ibig.
Pagkatapos kong makausap ang aking kaibigan ay dumako ako sa isa kong nakalapit na kaibigan. Isinalaysay ko sa kanya lahat ng mga nagyari at alam niyo ba naman ang sinabi niya? Let go na daw. Tapos sabi ko, ngayon pa ba naman ako maglelet-go kung kelan umabot na ako ng tatlong taon? Sabi niya, kasi nasasaktan lang daw ako, at sinasaktan ko din daw yung sarili ko.
Kayo? Naranasan niyo na bang umibig na kahit ang inyong mga kaibigan ay ayaw dun sa taong inyong minamahal? Na nais ng inyong mga kaibigan na pakawalan mo na siya? Na halos dumating ka na sa puntong kailangan mo ng mamili kung sino sa kanila – ang iyong mga kaibigan, o ang iyong minamhal?
Ang tulang ito ay umiikot sa dalawang mahahalagang paksa. Una, ang paghihintay para sa taong minamahal. Minsan, sa buhay natin, may mga bagay o tao tayong dapat isuko para sa kaligayahan ng iba. Mmm… Nagsama kayo ng matagal, tapos, alam niyo yun? Yung tipong ramdam niyo na na kayo na ang magkakatulyan? Mahal na mahal natin sila. At dahil sa sobrang pagmamahal natin sa kanila, naging bulag tayo sa mga bagay na dapat sana’y nakita natin noon pa. Halimbawa, unti-unti ng nawala ang pagmamahal niya sa’yo; o kaya’y may mga bagay o tao na mas dapat niyang unahin kaysa sa’yo. Tapos isang araw, magigising ka na lang na wala na siya… wala na siya! Tapos ang masakit pa nun, hindi man lang siya nagpaalam!
Sino ba naman ang hindi masasaktan sa ginawa niya eh ang sakit kaya nun?! Tapos, eto tayo ngayon, hindi maka-recover sa sobrang sakit! Tapos umaasa tayo na balikan tayo kasi minsan naman nila tayong minahal di ba? At ako, naniniwala ako na kapag minsan kang minahal ng isang tao, mayroon pa rin niyang natitira sa puso niya, kahit pa ilang ulit man nilang itanggi ito. Tapos sinasabi natin, maghihintay ako habambuhay. Siguro nga, iyan ang halimbawa ng isang tunay na pag-ibig.
Pero, papaano kung sa kahihintay natin ay hindi na natin namamalayan na may mga mali na pala tayong nagawa sa ating sarili? Dyan papasok ang pangalawang paksa.
Siguro naman lahat tayo ay may mga kaibigan. Yung mga kaibigan kasi natin, sila yung nakakakita kung tama o mali ba yung ginagawa natin. Andyan sila para gabayan tayo, at ituwid ang ating mga pagkakamali.
Di ba yung iba sinasabi nila na pakawalan na natin yung mga taong mahal natin? Eh madali lang naman kasing sabihin yun para sa kanila kasi hindi naman sila ang nagmamahal eh. Pero hindi ko sinasabi huh na awayin natin sila?! Siguro, concern lang sila sa atin kaya ganun sila.
Ah basta, para sa akin, kung mahal mo pa yung isang tao, bakit mo naman pakakawalan? Malay mo, isang araw, kung kelan mo siya pinakawalan, yun din pala ang araw na ika’y kanyang babalikan…

Follow ejsumatra on Twitter

No comments: