Unang Kabanata: Oras na 'Di Namalayan![Road Pictures, Images and Photos](http://i270.photobucket.com/albums/jj100/dannybunyavong/road-1.jpg)
Katahimikan ang nanaig sa gabing iyon
Sasakya'y hinihintay tungo sa'king destinasyon
Liwanag sa malayo ay aking natanaw
Pag-asa sa aking puso'y nangibabaw
"Saan ka pupunta?" ang kanyang sambit
Napatulala ako nang ilang saglit
Nakabibighani nyang mga ngiti
Nakapagpatigil sa aking mga sandali
Sa kanyang sasakyan kami'y nagkwentuhan
Bilis ng oras ay 'di namalayan
Nahulog kami sa isa't isa
Bugso ng damdami'y umaalab na
Tinuldukan ang unang gabi nang isang halik
Sunud-sunod na tagpo'y naging kapana-panabik
Pinagtagpo kami upang magmahalan
Kwento ng pag-ibig ngayo'y aking sisimulan
Malinaw sa umpisa ng tula na ang senaryo ay sa isang madilim na kalye. Ang nagsasalita ay patungo dapat sa isang lugar ngunit ito'y hindi binanggit. Natanaw nya ang ilaw na tila ba ito ay nagsindi sa kanyang sarili at ngayo'y umaalab na ang kanyang pag-asa. Nakatagpo nya ang isang lalaki at mabilis na nahulog ang kanyang loob. Marami ang nangyari sa loob ng sasakyan. Mula noo'y naging madalas na ang kanilang pagkikita.
Saan kaya tutungo ang kanilang kwento ng pag-ibig? Abangan...